Pluma

Ang pagtarak ng pluma
Sa aking puso at kaluluwa
Dulot ay pag-agos
Dugo’t diwa nagbumuhos

Paampatin man ang sugat
Katotohana’y nagdudumilat
Umusbong isang manunulat
Ayaw papigil ni magpaawat

Kumatha at lumikha
Nais na gawain
Magkuwento at tumula
Mga ibig na sulatin

Ang pagkakatugma-tugma
Ng salita at damdamin
Kamalayan nasasalamin
Tila malayang tugtugin




tokiyo higami ‘07

0 comments: