Isang Toneladang Paa


naglalakad sa kungsaan
ang destinasyon
walang hangang katanungan
di matapos na paglalakbay
isang toneladang paa
hawak ng aking kamay

saan ako paroroon?
malapit na ang dapit-hapon
pipikit muna sumandali
sana ay may sagot
bakasakali....

bukas na tayo mag-usap
sabi ko sa aking pangarap
ngawit at ngalay,
isang toneladang paa
hawak ng aking kamay

paano ba aahon,
mula sa aking kahapon?
bakit hindi kayang itapon,
basurang hangang
ngayon ay baon?

pagod lang at lumbay,
ang tangi kong taglay
at isang toneladang paa
hawak ng
aking kamay....

1 comments:

honey said...

gandaaa..tumutugtug paah, pag plain na dyaryo kasi wla e..hehehe..keep up the good work..