Ako ay Tutula

Ako’y tutula
Nang mula sa wala
Sa pagtatapos
Ay para ring wala

Komposisyon ay bubuuin
Nang di napapansin
Isip ay lalagumin
Diwa ay gigisingin

Minsan ay hihikbi
Maya’t maya’y tatawa
Sa katapus-tapusan
Ay parang baliw na

Ngunit anuman
Ang maisipang gawin
Isang katotohanang
Hinugot ito mula sa kaibuturan





tokiyo higami ‘07

0 comments: