Ang manunulat ng CURSOR ng artikulong "Paggunita ng Lalawigan ng Bulacan sa Pambansang Araw ng Watawat ng Pilipinas" ay lubos na humihingi ng paumanhin sa pagkakamaling nagawa nito. Ang nalathalang artikulo ay nagkaroon ng pagkakamali sa orihinal nitong dibuho. Nakasaad dito na si Ludovico D. Badoy (Punong Tagapag-ganap, Pamabansang Suriang Pangkasaysayan) ang sumunod na nagsalita pagkatapos ng mensahe ni June G. Joson (Pangulo ng SAMPAKA Inc.). Matapos ilathala ang artikulo, inihayag ng Bahay-Saliksikan ng Bulacan sa chatbox ng blogsite ng CURSOR na si Alex L. Balagtas (Punong Sangay ng NHI Bulacan, Zambales Chapter) ang syang kumatawan kay G. Badoy upang gampanan ang kanyang presensya sa naturang pagdiriwang.
Kami po muli, ang manunulat ng CURSOR ng nasabing arikulo ay lubos na humihingi ng paumanhin sa nagawang pagkakamali. Salamat po.
--Rica Morales--
--Joseph Theodore Jiongco--
0 comments:
Post a Comment