Nitong nakaraan, marahil ay naging palaisipan na sa mga estudyante kung ano ba talaga itong bilog na ginagawa dun sa BulSU field? Kung hindi ka man lamang nagtaka o napahula o napagisip man lang kung ano iyon, ito ang mga posibleng konklusyon: Una, hindi ka estudyante ng kolehiyo at hindi ka din nagdaraan sa main gate kapag pumapasok kaya’t di mo parin ito nakikita (imposible). Pangalawa: Kung dumadaan ka man sa main gate ay isa ka sa mga pinakaseryosong estudyante na diretso ang tingin kaya hindi mo man lang ito napansin. Pangatlo: wala ka lang talagang pakialam. Alin man sa tatlong konklusyon na ito o kahit gawin mo pang hypotheses ang mga ito ay hindi sasakto kung ilalapat mo ang iniisip mong output ng bilog na iyon sa isang scientific method na pinagaralan mo sa Sibika at Kultura.
“Naku, malamang fountain yan!” sabi ng isang estudyante, ang logic siguro ng naisip niya ay dahil summer na. Oo nga naman.
“Ang alam ko sabi ng isang kaibigan, rebulto daw yan eh.”
“Tingin ko garden na bilog.”
“Ang tingin ko logo ng BulSU na flat yung gagawin.”
Eh ikaw? Oo ikaw nga… matanong nga kita kung ano ang unang pumasok sa utak mo nung makita mo ito?
Alam mo bang may konek ito sa History ng Pilipinas? Kung sirit ka na, idedetalye namin ang pinakaseryosong sagot…
Bilang unang rebelasyon, pinapaalam naming na ang Alumni Association ng Bulacan State University ang nasa likod ng proyektong ito sa panguguna ni Mr. Rolando R. Gaspar- ang kanilang presidente. Noong 1988, pinag-aralan muli ng Alumni Association officers na maitanghal uli ang isang bayani sa Unibersidad. Nang matapos ang Heroes Park- ang una nilang proyekto, hinangad pa ni Mr. Gaspar at sampu sa kanyang mga kasamahan na maisakatuparan ang isa pang proyekto – ang magtanghal ang isang bayani na malaki ang ginawang kontribusyon upang makamit ng ating bansa ang kalayaan.
Sino ang bayaning tinutukoy nila?
Clue:
Isa sa mga pinakamatalinong produkto ng pamilyang Pilipino.
Dahil sa kanyang mga sinulat, nagising ang tulog na damdamin ng mga Pilipinong pagod na sa pagkaalipin at pumukaw sa kanila upang maghimagsik.
Alam mo bang dapat sana’y naitayo ito sa tapat ng Federizzo Hall? Ngunit ng naipatayo ay ang Chess Institute, napagdesisyunan na huwag na itong ilagay doon. Isang pinaka-obvious na dahilan ay matatabunan ng Chess Institute ang magiging matayog na rebulto ng bayaning ito.
Pagod ka na ba sa kaiisip kung sino ang bayaning ito? Kung hindi mo parin alam ang sagot, dapat kang bumalik sa elementarya upang magaral uli ng Sibika at Kultura.
Ito ay walang iba kundi ang ating pambansang bayani- Si Dr. Jose Rizal. Bakit si Rizal gayong hindi naman siya taga- Malolos?
“Hindi man Bulakenyo si Rizal, kinikilala natin sya at pinararangalan bilang isang pambansang bayani.”
Ang proyekto nila na Bulacan Heroes Park na itinanghal ang mga bayani ng Bulacan ay unang bahagi lamang. Ang pangalawang bahagi ay isinasagawa na ngayon- ang BulSU mini Rizal Park na pinapatayo sa BulSU field.
Anu nga ba ang kahalagahan nito sa mga mamamayan ng BulSU?
Para sa mga estudyante:
“Tinitingnan natin na mas malaki ang kahalagahan at mas maganda ang maidudulot nitong impluwensya sa ating mga mag-aaral na maging paanyaya upang magpursige pa sila sa pag-aaral. Sapagkat kung naalala natin si Dr. Jose Rizal ay may iniwang paalala sa ating mga kabataan sa kanyang tula na “Sa Aking mga Kababata”.
Para sa mga guro:
“Isa ring bahagi ng Mini Rizal Park na ito ay pagpapakita na si Rizal ay kinikilalang guro sapagkat noong nakapiit siya sa Dapitan ay nagturo parin siya sa mga bata.”
Marahil ay ito ang nais ipaalala sa atin ng isinasagawang Mini Rizal Park- ang kahalagahan ng edukasyon para sa lahat. Ang ilang bahagi ng liham ni Dr. Jose Rizal sa mga babaeng taga- Malolos ay nakaukit rin dito. Ito ay bahagi ng kanyang talambuhay na naugnay sa ating bayan. Ito ay sinisikap ng Alumni Association na matapos na sa pangalawang lingo ng Mayo ngayong taon. Si Mr. Crisanto De Leon ng College of Education ang siyang nagdisenyo ng Mini Rizal Park katuwang si Arch. Danilo Faustino ng CAFA. Ayon pa kay Mr. Gaspar, ito ay ang pinakamalaking proyekto na kanyang hinawakan at pagsusumikapang matapos. “Bilang kasalukuyang pangulo ng BulSU Alumni Association, isang malaking karangalan sa aming samahan at para sa aking pangunguna at pamumuno na maisagawa ang proyektong ito.”
- Mirasol V. Buenaflor

0 comments:
Post a Comment